Entry: Kwentong Iska Sunday, September 11, 2005



Parati kong naririnig na ang pag aaral ang susi sa maayos na buhay! Matagal na panahon ding pinaniwala ako ng kasabihang iyan; hanggang sa mapariwara ang buhay ko ng dahil sa pag aaral...

Mahigit na isang bwan akong on leave at marami ang naghinuha na baka raw nag resign na ako sa trabaho, nagka bf na rin sa wakas, nag asawa at nabuntis, napariwara, at ng maliwanagan, ay muling bumalik matapos ng apatnapung araw (parang si Jesus). They can't be more wrong! A month's hiatus can be solely blamed on my comprehensive exam. Boring! I wish I can I say I have eloped and lived happily ever after pero windang lang ang maniniwala sa dramang yan. Hindi ko maikakatwa, di katulad ni hudas, na tatlumpung pisong kusing na lang ang kwarta ko dahil sa ubos na ang PTO ko!

Sa aking pamumuhay ermitanya, eto ang mga aral na itinapon na at hindi itinuro sa akin tungkol sa kasamaang dulot ng aking pag aaral.

1. Minsan akala ng tao suplada ako, di lang nila alam, iniisip ko kung ang "Accrued expense" ba ay credit or debit, dahil tiyak, ilalagay ung entry ng professor ko sa accounting exam ko.

2. Pati mga magulang ko, binigyan ko ng curfew. Bawal na rin silang magkwentuhan beyond 12 midnight kasi un ang time na nag aaral ako. Habang nag aaral ako, natanggap na nila ang mapait na katotohanan na tapos na ang oras ng kwentuhan pagsapit ng alas doce. Minsan nahuli ko sila nagbubulungan, isang sitsit lang, alam na nilang oras na...

3. Sabi ng tao, kulang daw ako minsan sa reaction. Panu naman ako mag re react sa tsismis ng mga tsismosa  kong kaibigan, e iniisip ko kung anung development paradigm ang makakalutas sa problema ng buong bansa, malamang lamang kasi kasama yun sa comprehensive exam ko. 

4. Iniwasan ko ang TV at inakalang si James Yap ay isang kilalang businessman at hindi basketball player...tsk tsk  

5. Pinutol ko na ang aking mahabang kuko matapos kong alagaan ng higit sa kalahating dekada. Wla na ko oras mag manicure. Isipin na lamang ang pinagdaanan ko  at ng aking mga kuko...Ipinakipaglaban ko sila sa mga madre nung high school na nagbantang puputulin ang mga ito (bawal kasi).

6.  Hindi naman ako nangangarap na maging commerical model tulad ng mga walang mukhang ihaharap sa isang sunsilk commercial, pero na realize ko na lamang, humaba na ang buhok ko dahil isang beses isang taon na lang sumasagi sa isip ko ang magpa trim ng buhok.

7. Pinagkakamalan akong anti-social dahil hindi ko na sinasagot ang calls and texts ng mga taong nagtatanong kung anu na ang nangyari sa akin, naka mute kasi cell ko. Hindi dahil lang nerd ako, kung hindi dahil mga professors ko na parang sinasaniban ng engkanto, masamang espiritu at demonyo sa pagkakait sa amin ng masayang buhay.

8. Para na akong pugante sa pagtatago sa kamag anak na nagbalik-bayan na sabik ng makibalita kung may nagayuma na ko... Minsan talaga, kamag-anak ang makakasira sa kinabukasan ng tao...

9. Kapag namatay ako ngayon, ni pangpa cremate, wala ako. Baka ibalot na lang ako sa mga pagka mamahal na librong sumaid ng kahuli hulihang kusing sa bulsa ko.

10.  Ang pinakamasaklap sa lahat, isang hunghang kong kaklase ang nagsabi na mahirap na raw ako makahanap ng mapapangasawa dahil "Men are egoistic by nature, they will look at your scholastic status and run the opposite way".

Wahhhhh, sabi pa naman ng lola ko (90+ years old na sya), bago sya bawian ng buhay, kailangang may asawa na daw ako...

Mapalad ang lola ko, mabubuhay pa sya ng mahabang mahabang panahon....

dimasalang
-formerly happy, carefree and sane.

"School was so tough the school newspaper had an obituary section"  Norm Crosby 

   1 comments

pretty van
September 24, 2005   02:25 AM PDT
 
nakakatawa naman to!!!
alam mo magaral ka lang, tama yan habang bata ka pa at hindi pa mapurok ang utak mo. yung bf or kasintahan may panahon dyan. darating yan bago pa mawala ang lola mo. pero ngayon mabaliw ka muna sa kakaaral. ;-)

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments