Entry: Ako at ang pluma Saturday, August 27, 2005



Sa mga naghahanap ng paliwanag, paano ko ipapaintindi ang mga bagay na sa sarili ko ay hindi ko kayang maarok? Sa sarili ko, walang mali sa aking nadarama, subalit sa ibang nag aanalisa, lumalabas na isang pagkakasala. Maraming bagay na mas makabubuting tanggapin kasya hanapan ng paliwanag. Kung rasyonalidad ang pag uusapan, hindi kayang abutin ng utak ang idinidikta ng pandama. Ang tanong sa bakit, sino, ano, saan, kelan at paano ay parating nangsasakdal... Kung kaya nga inimbento ang pluma, mas maraming bagay ang mailalathala na hindi kayang isambulat ng bibig na sakbibi ng pangamba, para sa nakabusal na bibig ay nakalalaya lamang pansamantala. ....


-Thang Yna Vhad Ui!!!


 

   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments